atot

atot

------------------------------------------------

Copyrighted@paw-tuting.blogspot.com

Wednesday, December 21, 2011

tula ni tuting kay iting at mining


Anak ng pusa ka nga!
Yan ang nasasambit
Kapag nangungulit
Si iting at mining
Na parang namimilit
Sa hapag kainan
Grabe kung bumirit
Meow!meow!meow!
Yan ang sinasambit...
'Pag di napagbigyan
Ang kanilang hiling
Tinik ng isdang
Iyong kinakain
Isusubo mo na
Kanila pang aagawin
Nakakainis sarap paliparin
Ngunit kahit
nakakakunsumi
Boses nilang parang
kinakanti
Makita mo lang
Mukhang inosente
Mapapangiti ka
At lahat mapapawi
Masarap sa pakiramdam ang saya
Dulot ng pusa lalo't nag-iisa
Nakikinig sa senti mong walang kwenta
Di kumukontra sa kwentong 1 to sawa
Malambot na balahibo
Mainit na katawan
Iilan lng yan
Sa aking nagustuhan
Sa hayop na ordinaryo
Kung tignan
Ngunit sa akin...
Siyang aking KALIGAYAHAN...

Tuesday, December 13, 2011

day dream :)


I am here...
You are there.
Horizontal distances.
But when I closed my eyes...
And think of you.
I see more than a beauty.
A picture of us floods me...
With a certain kind of excitement.
Vision of green hills...
Wild flower in blooms...
As we run after the butterflies.
Under a cotton cloudy sky.
My hand enclosed with yours.
Catching our breathe.
And my longing ends again...
With a light kiss on your cheek.

- Advance happy monthsary tuting!
Let my imperfection immortalized this love...i have only for you. I love you most!

Sunday, December 4, 2011

paw-paw


11 months na mula ng sinagot kita

Di halata pero nkakawow talaga!

Parang kahapon lng kung aking ginugunita

Paghi2ntay mo'y nabigyang gantimpala

Araw-araw iyo mong ipinaramdam

Laman ng puso't isipan ay tanging ako lang

Di nagsasawa parang adik kung tignan

Wag mag alala tayo'y pareho lang

Makulit,mabait at ubod ng sweet

Yan si bestot na aking nilalangit

Kahit na ako'y madalas magsungit

Di ko mahintay na sya ay mainis

Happy monthsary sayo mahal ko

Di lang dekada,di lamang siglo

Di magsasawa sa kilig na dulot mo

Mamahalin kita kahit maputi na ang buhok mo!



- Bles Velasco