Panahon ay sadyang kay bilis lumipas
Lakas na taglay di na maipamalas.
Pagsubok dumating di ka nakaalpas
Sa halip,ito'y iyo pang niyakap.
Ako'y nalulungkot,ako'y nayayamot
Di mapigilang sa iyo'y mapoot.
Ngunit kahit ganun kasalimuot
Ako'y nagdarasal na hindi magpang-abot.
Alam ko naman mga pagkakamali mo minsan ay...
Dala lamang ng katandaan.
Iyong mga salita ang aking gabay
Sa pagtahak ng tamang landas sa buhay.
Hindi maikukubli hindi maikakaila
Ikaw lang Itay,wala ng iba.
Sa aking paglaki unti-unting napagtanto
Iyong mga pangaral lahat ay totoo.
Mahirap sundin,mahirap isagawa
Ngunit para sa iyo'y, pilit kong kinakaya.
Maraming gabi, ako ay balisa
Isip at puso sayo nangungulila.
Paggising sa umaga lungkot ang nadarama
Tanging hiling ay ang muling makasama ka.
Mahawakan ang mga palad mong mapagkalinga
Mapakinggan ang mga kwento mo na walang sawa.
- Bles -
No comments:
Post a Comment
Feel free to write any comments but no spams plz... THANK YOU! ^-^
-Retz