
Sabi nila ikaw at ako, di tanggap ng publiko
Relasyon ay mali 'pagkat tayo ay pareho
Ngunit ito, ang tanging tanong ko
Kelan naging mali ang magmahal ng totoo?
Sa hirap at ginhawa kasama kita...
Sabay na hinaharap kapalarang itinakda
Dito sa lugar kung saan tayo ay banyaga
'Di alintana lumbay na nadarama
Sapagkat aking mahal, kasama kita...
Madalas man ako sa iyo'y magsungit
Sa'yo ibinubunton lahat ng hinagpis
Ngunit sa oras na ako'y makapag-isip
Lambing at pagsusuyo'y walang kasing tamis
'Di man natin hawak ang bukas
Nangangakong magsasama hanggang sa wakas
Sabay na tatanda at sabay na kukupas
Mga pusa at aso siguradong walang ligtas...
Bestot mahal ko, pakatatandaan mo
Ikaw lang sa puso at isipan ko
Hindi magbabago dumaan man ang mga siglo
Ikaw at ikaw lang, ang iibigin ko.
- Bles Velasco -
No comments:
Post a Comment
Feel free to write any comments but no spams plz... THANK YOU! ^-^
-Retz