Sunday, January 15, 2012

Ang sa amin lang...


ang pag-ibig..
na TULAD sa atin.
pukulin man ng puna...
sabihing mali.
baluktot na sabi ng iba.
kung ito ay wagas...
at may respeto sa bawat isa ng...
pusong nagmamahal.
at walang pananakit sa kapwa.
bilang na marami'y di na kailangan pa.
sapat na ang pag-unawa
ng ilang kaibigan,
kapamilya na kumakalinga.

ang pag-ibig...
na tunay,
kailanman hindi maihahalintulad sa isang krimen.
na lagi ng sinasabi ng mga magagaling...
anak daw sila ng Diyos na maituturing.
punong puno naman ng galit at inggit...
ang pagkatao nila na ubod ng sakim.

ang pag-ibig...
na dalisay,
ni walang kasamang dahas...
at pamimilit,
dahil ito'y kusang ibinibigay,
ng walang takot at pag-aalinlangan...
sa taong nararapat mahalin.

- Paw at Tuting -

No comments:

Post a Comment

Feel free to write any comments but no spams plz... THANK YOU! ^-^
-Retz