atot

------------------------------------------------
Copyrighted@paw-tuting.blogspot.com
Thursday, December 26, 2013
Mt. Pulag ^_^ (tuting)
Para kang Pulag,
Balot ng hiwaga...
Di ko maarok ang taglay na ganda.
Pagkatao ko'y sabik sa hamog mong haplos,
Didilig sa pusong nananabik.
Balutin man ng dilim,
Sa pag lubog ng araw...
Ang buong magdamag.
Walang pangambang ipipikit...
Dahil sa muling pagmulat ng mga mata,
Hahalik sa pisngi...
Ang pag suyong init,
Ng bukang-liwayway hatid ay pag-asa.
Sa piling mo,
Ako'y hihiga...
Sa ulap ng iyo'ng mga yakap.
Wala ng liligaya pa,
Sa tuwing sumasayaw...
Ang dahon at sanga sa ihip ng iyo'ng musika.
Ikaw ang hangin sa bawat paghinga.
Ang pag-ibig mo'y...
Kapayapaan,
Sa mundong mapanghusga.
Subscribe to:
Posts (Atom)